December 2006

I’ll just update you briefly of what happened when I was in Manila.
1. My brother’s wedding. My kuya (older brother) wed in San Sebastian Church in Manila, followed by the reception in Intramuros. Everything was beautiful and perfect. My daddy would have been very proud and very happy.

2. My mom had a minor surgery. The surgery was okay and she’s okay now.

3. I attended and hosted my first company christmas party last December 15. It was held in a brazilian restaurant in front of Market!Market! in The Fort.

4. My niece, MJ or Mikhaella James, celebrated her 2nd birthday at our house last December 16. Her birthday was really December 14 but since it was a weekday, we just celebrated it on a weekend. We had a puppeteer and some games to entertain the kids.

5. As per tradition in our compound, we also had our christmas party last December 17. We had potluck dinner and played games. We also had exchange gifts.

6. Finally, Christmas Eve. I missed this celebration last 2005, celebrating it here in japan. Kuya Bern celebrated with us. We had lasagna, soup, salad, tacos and some ham. It wasn’t really our tradition to give gifts, but for that year, we gave each one gifts. My cousins also went to our house around 1 am.

On Christmas Day, our relatives on my mother’s side went to our house. We also exchanged gifts and had a great time singing. Then we also went to Policarpio Street.

7. We had swimming in Laguna (as usual!). The de Guzman family was complete. It’s very rare that all of us are there. So it’s really a reunion for us. Frederick and Don were also there. hehehe..

8. When I was in Manila, I didn’t get to meet all of my friends. But I was happy cause I get to see some of them again. Thanks guys!

9. We spent our New Year’s eve in Pan Pacific Hotel with Tita Aida, Dulce, Frederick and Denise. The hotel’s near Roxas Blvd. so we could see the fireworks on the bay. After having dinner at Aristocrat, we walked around baywalk. There was countdown concert so there was a great crowd in that area. Since we have children in tow, we decided to head back to the hotel, but we first made a brief stop in a convenience store to buy some chips.

In the hotel, all of us were by the window. We’re on the 10th floor, so we could see the fireworks from baywalk, makati and even in mandaluyong. Tita Aida, Dulce, Frederick and Denise went to our room around 11pm. Then we had some champagne and some chips.

Before I went home last November, I was already planning how I would spend it. Where I would go, what I would do, who would I meet. I only got to do some of my long list. The farthest place I’ve been to was in Cavite (and that’s when I went with my tita to fetch my cousin). I only got to meet a handful of people, 5 from my college friends and 2 from my high school friends. But even though my plans didn’t push through, I was happy ’cause I got to spend most of my vacation with my family. :)

This is it!

After the very stressful and very tiring week, this was it.. the day na aalis ako.. gabi pa lang, hindi na ako makatulog.. sobrang hirap matulog. ang dami kong iniisip. naiisip ko pa nga, parang ayoko ata na ihatid ako ni mommy. baka kasi umiyak siya e. at pati ako maiyak na rin. tapos, iniisip ko rin kung ano kaya magiging buhay namin sa japan? ano kaya magiging trabaho namin? okay kaya magiging accomodation namin? okay kaya mga office mates namin? Maintindihan ko kaya sila? Sobrang dami yung mga naiisip ko.. pati yung magiging buhay ko don at yung buhay na maiiwanan ko sa pilipinas..

Maaga ako nagising. mga 430pm pa lang ata, gising na ako. Naligo ako tapos light breakfast. Tapos dinouble check ko yung mga documents na dala ko kasi baka may nalimutan ako. Tapos konting chika chika sa mga tao don. Ang aga nga nilang magising lahat e. Actually, lahat ata sila nagising, except sa mga bata. Umalis kami mga 6am. kasama ko sina ate, mommy at kuya bern. On the way, nag-bye bye na ako sa mga tao sa text. ka-text nga rin ni mommy si tita rosie. sinabi nya na aalis ako papunta ng japan sa araw na yun. Nung nasa airport na kami, sobrang aga naming dumating. wala pa nga sina arthur e. so pagdating nina arthur, nag-check in na muna kami tapos lumabas kami ulit. sina mommy saka yung mommy ni arthur nasa cafeteria sa may tabi ng airport. so pumunta na muna kami don. kumain muna kami ng breakfast tapos konting kuwentuhan kasama nung mommy ni Arthur at yung gf nya. Nung mga past 8am, nagpaalam na kami. grabe, sobrang nakakaantig ng damdamin sina arthur. kami naman nina mommy, hug lang tapos mga paalala na magsimba, magdasal at uminom ng vitamins. siguro nung mga time na yun, hindi pa nag-sink in sa akin. sina mommy siguro, mejo malungkot pero hindi niya ipinahalata sa akin.. i don’t know kung umiyak ba siya after kong umalis. I never got to ask my sister about it.

Nung pag-check in namin, medyo matagal-tagal pa yung pag-hintay namin sa plane. So konting picture-picture muna. Double check ng mga gamit. After mga 15 to 25 minutes, nag-start nang magpapasok sa loob ng plane. Ok naman yung loob ng plane, nasa bandang likod kami. I was supposed to have a window seat, pero nakipag-palit ako kay Arthur. Wala lang, i just don’t feel like looking outside. Medyo kabado ako ng konti.. hehehe.. first time ko e… Anyways, nung nasa himpapawid na kami, they started serving snacks and then after mga 10 to 15 minutes, lunch na yung sinerve nila. It was okay. And the service was okay. Nakakaloko lang yung mga itsura ng mga flight attendants. Akala kasi namin, mga pinoy din. Mukha kasi silang mga pinoy. Tapos tinagalog ni Arthur, hehehe.. hindi siya naintindihan.. hahaha.. kakahiya.. During the flight, natulog lang ako. Wala kasi magandang palabas e. Parang discovery yung pinapalabas. Okay sana kaya lang nihongo de yung voice over. Tapos, makikinig sana ako ng music, but unfortunately, japanese songs lang din yung available. hehehe.. Sabagay, what do I expect e Japanese Airlines un. hehehe.. So ang ginawa ko na lang, natulog na lang ako.

We arrived Narita Airport around 2:40 pm, Japan time. Wala naman masyado hassle sa immigration and sa customs. And then, hinanap na namin yung bilihan ng ticket for the limousine bus. Mejo nahirapan kami ng konti sa paghanap. Tapos nung nahanap na namin, hindi kami umabot sa binili naming ticket. After kasi naming bumili ng ticket, naghanap kami ng phone tapos tinawagan namin si Yokoyama san. Siya kasi yung susundo sa amin sa Tokyo station. After namin siyang tawagan, we exchanged our tickets and then boarded the bus. Grabe! paglabas namin sa airport, sobrang lamig! Parang may aircon sa labas.. hehehe.. forgive me for being excited or something.. Nung umalis kasi kami sa Philippines, mejo mainit pa kaya mejo natuwa ako.

I thought the bus ride was brief. I expected it to be about 30mins. Pero grabe, mga 1.5 hours ata yung biyahe. When we left the airport, may araw. Pag dating namin sa Tokyo station, gabi na. On the way, habang nasa highway kami, nakakaaliw pa nung una. Ang dami kasing sasakyan na magaganda at mga bagong model. But after about 30mins, mejo nag-si-sink in na sa akin na umalis ako ng Pilipinas. At hindi ko makikita yung family ko for one whole year. Mga past 5 na siguro kami dumating sa Tokyo station, and Yokoyama san was already there waiting for us. Siya yung bumili ng ticket namin for shinkansen (bullet train) papunta ng Nagoya. Tapos hinatid niya na kami doon. After giving us some instructions, pumasok na kami sa loob.

Nung nasa loob na kami ng shinkansen, kaka-amaze ng konti. hehehe.. Comfotable seats, but during that time they weren’t that comfortable. Dami kasi namin dala, mejo jamamono nga yung maleta namin. hehehe.. domo sumimasen.. May katabi nga dapat ako, kaya lang nagpalipat siya ibang seat kasi nga masikip sa puwesto namin.. hehehe.. Anyways, ang instruction sa amin, wag daw kami matutulog sa shinkansen. Baka daw lumagpas kami. Yung pupuntahan namin is about 1.5-2 hours away, but it was the second stop. Since masunurin ako, hindi tlga ako natulog. Nakatingin lang ako sa labas, which is wala ring kwenta kasi nga gabi na at wala nang makikita, at dahil sa mabilis, kahit ung mga billboards hindi rin namin mabasa. During the train ride, ayun… don na talaga sobrang nag-sink in. As in ramdam na ramdam ko yung lungkot at homesickness. Napaiyak nga ako sa sobrang lungkot. Basta, really can’t describe it. Basta ang alam ko lang, sobrang bigat ng feeling. So ang ginawa ko, nag-rosary na lang ako.. After praying, mejo gumaan na yung feeling ko at mejo lumakas yung loob ko. Basta, sobrang nakatulong talaga ang pag-dadasal.

Nung pagbaba namin, mi-neet kami ni Asano san, taga-Murase Denki siya. After shinkansen, nag-transfer naman kami sa JR Line. Mejo okay naman yung train ride. Hindi masyado puno at maganda yung upuan sa loob ng train. Tayuan pa nung mga panahon na yun, kakatapos lang siguro ng rush hour. Bumaba kami sa Obu station. Tapos sumakay kami ng kotse ni Asano san. Sabi niya, meron daw malapit na station sa accomodation namin. Pero dahil sa madami kaming dala, mas convenient na don kami sa station na yun bumaba kasi may elevator daw. Yung sa malapit kasi, stairs lng. Tapos after about 15mins, nasa accomodation na kami. Yung accomodation ko, nasa first floor, yung kay arthur nasa 2nd floor. Maliit lang yung building, kaya kahit nasa second floor si Arthur, wala pang 20 steps papunta sa room nya galing sa room ko. After naming ilapag yung bags namin, sumaglit lang kami sa office, ipinakita sa amin yung lugar. Tapos, dapat ata i-meet na namin si shacho (company president, Murase san). Kaya lang wala siya don. So ang ginawa namin, bumalik na lang kami sa room muna namin. Tapos sabi sa amin ni Asano san, pupunta raw sa room namin si Takeuchi san ng mga 9pm. Mga 10mins pa yun so nakapag-pahinga muna ako ng konti. Nung mga 9pm nga, dumating siya. Itinuro niya sa akin kung paano gamitin yung mga appliances ko sa bahay. Hehehe.. hindi naman masyado mahirap matutunan, pero kasi puro kanji yung sulat kaya mahirap gamitin. Itinuro niya rin kung paano yung paggamit ng toilet and ng bathroom. Japanese style kasi. Yung mga heater pala na nakakabit sa faucet at sa bathroom, hindi yun electric. Gas yung gamit nila. After niya sa kwarto ko, pumunta naman siya sa kwarto ni Asa (Arthur) at itinuro niya rin yung mga appliances nya. After non, sinamahan niya kami bumili ng food, di pa kasi kami nag-di-dinner non. So pumunta kami ng convenience store sa malapit at bumili kami ng food. Kinain namin yun sa kwarto ko, since dalawa lang namna kami. Mga 10 na ata yun. Tapos natulog na kami mga 1030 kasi 9am daw yung pasok namin. And since tomorrow is our first day at work, bawal ma-late. hehehe..

more pictures..

How I spent my last week in the Philippines.. And I spent it really well!

November 7, 2005. Monday. We received our COE (certificate of elegibility) from Japan on this day. Actually, hindi pa nga nakakarating sa office. And since mejo minamadali na ung alis namin papunta sa Japan, mi-neet na lng namin ung postal service sa may Muntinlupa. So kasama si Mang Buboy (the company driver) gamit ung kotse ni Hamada-san, we (Athur, Rex and Me) went a church near Muntinlupa City Hall to get our COE. tapos, dumerecho na kami sa embassy. Bad luck kasi ung embassy, nagpapapasok pala sila mga 2:30pm til 3:30 pm only. tapos, dumating kami don, mga 3:55. Ang sabi kasi sa amin ni Randy (ung nasa admin), until 4pm daw ung sa embassy. So di kami umabot. Bumalik na lang kami sa office.

November 8, 2005. Tuesday. Since hapon pa naman ung punta namin sa embassy, nag-facilitate na lang muna kami ng technical exam sa office. After lunch time, we went to the embassy again. Dami bilin nina Ma’am Dred at Hamada-san. Nag-file na rin pala ako ng leave sa wednesday. So pinapirmahan ko na bago kami umalis. Naisip ko kasi, baka hindi kami makapag-leave sa friday kasi baka may mga further instructions pa galing sa admin. Ok naman ung pagpunta namin sa embassy. Maaga kami nakarating don. Tapos mejo mahaba na yung pila. Pero okay lang naman.. Habang naghihintay, tinawagan ko na lang si Abby. During the call, na-realize ko na i miss this girl.. And i will miss her more kasi hindi ko siya makikita before i leave.

Nung nag-apply na kami, mejo na-weirdohan lang ako kasi ang alam ko, pag mag-aapply ng visa, may mga itatanong sa iyo. Yung nangyari kasi sa amin, wala man lang itinanong. As in sobrang walang kwenta. Kinuha lng yung papers namin, tapos sinabi na makukuha yung visa (kng meron) sa Nov. 11. Yun na yon. As in sobrang ikli. Don’t get me wrong. Ok lang sa akin na walang itinanong. weird lang talaga. Anyways, pagtapos namin sa embassy, dumerecho na ako ng uwi. Hehehe.. Nagulat nga silang lahat kasi ang aga ko umuwi. Nag-meryenda ako saglit tapos nakipaglaro ako sa mga pamangkin ko.. hahaha.. I miss my childhood! Yun bang carefree ka lang…

Anyways, after kong mapagod at mapagpawisan, niyaya ko si mommy na punta ng megamall para i-meet si ate. Sabi ko kasi kay Ate, kelangan ko nang magpagawa ng salamin. So nagpagawa na ako, buti na lang sale doon. Mga 3000++ kasi ung frame e. Since may sale, mga 50% off na lang. Tapos ginamit ko ung card ni ate kasi wala pa ako pera non. Ang ganda ng salamin ko! hehehe.. kakaaliw.. Binilhan na rin namin ng ilang school supplies sina Janice at Tin-tin (Mga pamangkin ko sa pinsan) kasi pasok na sila sa school the next day.. Nakakatuwa nga silang mga bata nung pag-uwi namin. Tuwang tuwa sila sa mga binili namin na notebook, pencils at crayons… I’m planning of buying them school supplies next school year. Pati na rin school shoes and uniforms… Wala lang.. naalala ko lang ung feeling na pumapasok sa school at bumibili ng school supplies… How time flies…

November 9, 2005. Wednesday. Nung morning, wala akong masyadong ginawa. Goro goro shita. Nood lang ng konting TV, played some games. After lunch, pumunta kami ni mommy sa office ni tita Aida sa NPC. naghahanap na kasi ako ng laptop and makiki-ride ako sa credit card nya. May pinakita sya sa akin na brochure galing sa citibank, kaya lng mga 1-2 weeks daw ung pag-processing and delivery ng laptop. E aalis ako in less than a week. So ang ginawa ko na lng, tinawagan ko si ate dulce (my cousin) tapos mineet namin sya ni mommy sa SM West. Sa SM kasi, merong cyberMall na maraming computer shops. So tumingin tingin ako ng laptop. May sinabi kasi si Arthur sa akin, ung Acer na laptop na bagong labas. Okay daw ung specs saka within my budget sya. So after naming maglakad ng maglakad, nahanap namin yung Acer na laptop tapos hinintay namin si tita aida galing sa office. Tapos, binili na namin ung laptop.. hehehe.. ang sarap ng feeling.. un nga lang, hindi pa talaga siya sa akin kasi nga, credit card yung ginamit namin.. hehehe.. pero after a year (kasi one year 0% installment sya), i can really say na nakabili na talaga ako ng laptop. hahaha.. grabe.. ang laki ng ngiti ko non..

November 10, 2005. Thursday. May pasok na ako ulit. Nainstallan ko na ng windows xp ung laptop ko and my aim for that day is to back up all my files. dami ko kasing files sa pc ko sa office. and majority of these files, kelangan ko sa Murase at sa nihongo lessons. Pero natapos ung buong araw, hindi ko nagawa un. May nag-exam kasi nung morning, tapos nag-check ako ng code nila. After that, i tried downloading the files, kaya lng di kaya. Sabi ni sir Mon (isang sempai ng ITPST), i-configure na lng daw nila ung laptop ko pero the next day pa raw nila magagawa kasi nga mejo busy ata siya. may mga interviews kasi.. After that, mineet ko sina Josiel and Veena. Supposedly, sa saturday ko pa sila meet. E si veena pala, punta pala siya papuntang singapore sa weekend kasama ng parents nya. So mineet ko na sila and we ate at Shakey’s. Ayun, nagkwentuhan lang kami. Mga past 9 na kami naghiwa-hiwalay.

November 11, 2005. Friday. kukunin na namin ung visa sa embassy. Since 10-11 am pa naman un, i told Arthur and Rex na imeet ko na lang sila don. Sayang pasahe papunta Alabang tapos pupunta rin naman kami sa Manila. So nung morning, nagpasama ako kay mommy sa dentist sa may malapit lang sa amin. Mga past 10 na ako natapos. After non, dumerecho na ako sa embassy. grabe! mga a little before 11 ako dumating. Nung nasa bus pa lang ako on the way sa embassy, nagtext sila sa akin na tapos na sila. Sobrang kakahiya..hehehe.. buti na lang, hindi kelangan ng letter of authorization sa pagkuha ng visa ko, kung hindi patay ako.. Pagdating ko don, umalis na din kami.. Sobrang harassing ung day na un kasi ang dami kong dala at sobrang nagmamadali ako sa pagpunta ng embassy. Dala ko kasi yung mga nihongo materials namin kasi JPI ung magpapadala sa amin non. Wala kasi kaming nihongo classes sa Nagoya so self study kami. Sa yokohama kasi, meron silang nihongo classes.

Pag dating namin sa office, nagstart na ako mag-install ng xp. ni-reformat ko ulit kasi may hindi ata ako na-install. Nag-eeror ung sa usb ko. So ang ginawa ko, nanghiram na lang ako ng cd kay rex, since pareho lang naman yung laptop naming dalawa. Before ko matapos ung pag-iinstall, nag-meeting kami with Ma’am Mimie. Pre-departure orientation. Matagal tagal din yung meeting na yun. Mga past 1 pm kami nag-start, natapos ata kami mag-3pm na. After the meeting, binigay na sa amin ni Randy yung pera namin. hehehe.. okane mochi ni natta. hehehe.. After the meeting, bumalik na ako sa table ko. Tinapos ko ung pag-install ng XP. tapos, pinorublema ko na ulit kng paano ko iback up ung mga files ko. Ang ginawa ko na lng, hiniram ko ung laptop ni Ma’am Dred. Tapos from there, kinopya ko ung mga files ko na naka-share tapos binurn ko na lng sa CD. Mga past 6pm na rin ako natapos non.. After that, kumain kami ni coy sa may metropolis. hehehe.. last dinner together.. hehehe.. After non, pag-uwi ko sa bahay, mga mag-8 pm na ata non. Ibinaba ko lang un mga gamit ko tapos dumerecho na kami ni mommy sa dentist ulit. Hindi kasi natapos e. Almost 10 na ata kami natapos non. hahaha.. kakangawit ngumanga.. hehe.. mejo marami kasi ung nilagyan ng filling and meron din akong pinabunot. Mga 1 year kasi akong hindi makakapunta sa dentist so kelangang tapusin na lahat ng dental work. After that, bumili ako ng ice cream kasi bagong bunot ako. hehehe..sarap! Pag-uwi namin, nandon si tita Mercy. Naglalaro sila ng cards. Syempre sumali ako.. hehehe.. Sayang ang pagkakataon.. hahaha.. After that, natulog na ako kasi mejo pagod ako. That day was very TIRING and HARASSING…

November 12, 2005. Saturday. Mejo maaga ng konti kami gumising nito. Actually, hindi naman talaga maaga kasi mga 8am na rin kami nagising. But it is earlier than our usual gising pag saturdays. Pupunta kasi kami sa Landmark ngayong umaga, mag-shopping kami nina mommy at ate. Marami pa kasi akong kulang. Tapos, i-meet ko sina val ng mga 1030am. Sa Landmark, nagpapalit muna ako ng pera para may panggastos ako. Tapos, tumingin kami ng crucifix at holy family na maliit para meron naman ako pag punta ko sa Japan. Tumingin din ako ng mga bag kasi wala pa akong bag for hand carry. Nakakita naman ako tapos habang kumukuha ng bagong stock ung salesman, umakyat ako ng 2nd floor para tumingin ng rubber shoes. may nakita naman ako, nike. kaya lang hindi ko binili. wala kasi sa akin yung pera. tapos sobrang nagmamadali ako kasi late na ako sa lunch namin nina val. nagtext na sa akin si ces, val at josiel na nandon na raw sila so di ko na muna binili. pag dating ko don, lumipat kami ng lugar. nag-super bowl kami tapos pinasunod na lng namin sina vina at jeanny. si joanna kasi, kakagising lang so sunod na lang daw sya. okay naman ung lunch namin. masarap ung lunch, syempre masaya rin. grabe, na-miss ung kakulitan nilang lahat… pati mga asaran.. hahaha.. nung mga 1pm na, wla pa rin si joanna. tapos tinatawagan na ako nina ate kasi nga aalis na raw kami. so umalis ako before dumating si joanna. sayang nga e.. wala na kasi akong balita sa taong ito.. anyways, hope makapag-ym kami or email kami.

After that, pumunta na kami ni ate sa robinsons pioneer. bili pa kasi ako ng sapatos. si mommy, dumerecho na lang muna sa bahay para maibaba ung mga pinamili namin tapos susunod siya ulit sa pioneer. nag-grocery din kasi sila nga mga dadalhin ko pa e. nung nasa rob pioneer na kami, nagbayad muna kami ng globe tapos tumingin na kami ng sapatos sa sports shop. antagal kong tumingin, kaya lang wala na ung size ko.. sayang, ganda pa naman ng reebok na yun.. so i ended up buying avia na rubber shoes. mejo okay na rin kasi maganda yung kulay.. color yellow.. hehehe.. tapos, pumunta kami ng department stores para tumingin tingin naman ng black shoes. buti na lang, may nakita akong rusty lopez na maganda at okay ung price. at buti na lang din merong size ko. hehehe.. after that, umuwi na kami kasi kelangan na namin mag-ready para sa swimming. at si kuya bern din kasi, mejo irascible na nung mga panahon na yun. hahaha.. pagdating don, ibinaba ko lang yung mga gamit na ipinamili namin, tapos inayos ko na yung mga gamit na dadalhin namin. after about 30mins, umalis na rin kami, hiniram ni kuya bern ung kotse ni via. mejo ma-traffic ng konti sa c5 pero pagdating sa expressway, wala na traffic. kakaaliw din si mj sa loob ng kotse.. hahaha.. dami na nya alam.

pagdating namin kanila tita luming, nandon na sina lourdes at ung mga anak ni ate nerie (analet, tintin at si janice). nandon na rin si denise at si opel. sina ate dulce kasi, sinundo pa si manang sa cavite. si kuya bern, umalis ulit para sunduin si via. after ilang minuto, dumating na rin sina manang, kasama si louise. tapos dumating na rin sina tita luming galing sa office. si tito danny, nagluluto. grabe nga e, dami nya niluluto.heheh.. parang hindi na kami uuwi. hehehe.. dumating na rin sina kuya bern at via nung mga 6pm na, nagdecide na mauna na ung iba. kami na lang nina tito danny, tita luming at ann (ung anak ni tita baby na kapatid ni tito danny) ung mahuhuli. nasa amin kasi ung mga pagkain. hehehe.. tapos sina kuya don (and his extended family), sina danny, lalaine at dana, saka ung anak ni tita baby (forgot their names pero i know them since bata pa kami), sina tita aida, sina kuya bern at sina mommy, silang lahat nauna na sa resort. hahaha.. mejo naiinis ako ng konti kasi may mga kasama na hindi ko man lang kilala and they did not introduced their selves to us. naisip ko lang kasi na despedida ko yun, maybe they should have exerted some effort to wish me luck or even know my name. kaya lang, they did not.. basta, i don’t want to make a big deal out of it… masaya naman ung gabi, un nga lang parang hindi ako masyado satisfied sa nangyari.. basta parang feeling ko naagrabyado kami na hindi ko maintindihan.. basta.. i wasn’t that happy.. happy ako na nagkasama-sama kami before i left, but the happiness was below what i expected to feel.. bago ako natulog, i said to myself, pag balik ko, yayayain kong mag-boracay or palawan sina mommy. kaming family na lang muna..

November 13, 2005. Sunday. Nung umaga na, maaga kami umuwi kasi til 7am lang ung resort. nag-breakfast lang kami kanila tita luming tapos non umuwi na kami. nag-commute na lang kami since sunday naman at wala masyado traffic at tao sa kalsada. nasa bahay na kami ng mga past 10am. mabilis lang ung biyahe. tapos ako, nagsimula na akong mag-empake. Siguro mga pang-5th or 6th time ko nang mag-empake. di kasi kasya or sobrang bigat nung maleta ko. so bawas ako ng bawas. nanghiram kasi ako kay tita luming ng batroom scale kaya lang nalimutan ko kaya hindi ko matapos yung pag-eempake. nung mga 3pm, nag-decide ako na wag na lang muna tapusin kasi nga di ko naman alam kung kulang o sobra sa timbang ung maleta ko. So naligo na ako and nag-ready kasi darating daw sina avic at arianne. so kumain muna kami ng spag ni ate habang hinihintay ko sila. nag-compute na rin kami ni ate ng pera kasi nga mejo alanganin ako sa iiwanan kong pera kasi baka kapusin ako dito sa japan. basta ang natira sa akin e enough naman sa akin (according to our calculations). nung mga 430, dumating na sina tita aida. dala kasi nila ung ibang gamit saka kakain daw sila ng spag..hehehe..

and since wala pa sina avic, nagsimba muna kami nina mommy at ate. dumaan na muna kami kay daddy bago kami nagsimba. nakakaiyak habang naaalala ko itong part na ito.. naisip ko kasi, mga 1 year bago ko siya madalaw ulit.. but i will pray for him.. After naming magsimba, dumerecho sina mommy at ate sa robinsons pioneer kasi magpapapalit sila ng pera. ako naman, dumerecho na ako ng uwi kasi nandon na ata sina avic. so pag-uwi ko, sinundo ko sila sa stratego. nasa bahay pa sina tita aida non. sina denise at ung mga bata, naglalaro lang sa sala. si ate dulce, nanonood ng tv. sina mikel naman, nasa taas pinapatulog si mj. so kami nina avic, sa dining kami nag-stay. may dala silang cake non. so ang kinain namin cake and spag. e wala na ring softdrinks non so inutusan ko si lourdes na bumili ng softdrinks. kaya lang, wala siya nabili kasi di raw malamig. nung nag tubig kami, nagloloko na naman yung water dispenser. hindi na naman lumalamig. ang weird talaga non. so nag-”paki” na lang ako ulit kay lourdes na bumili ng ice sa may 7-11 since don lang ata may ice. sinama ni lourdes si ate nerie.. wala lang, ipapasyal daw ni lourdes si ate nerie.. si ali naman, nasa may labas kasama ung bunso nilang anak na si dianne, inaaliw aliw ni ali para hindi daw antukin. kasi baka pag natulog agad, hindi na makatulog sa gabi.

so ayun nga, kumakain kami ng spaghetti nina avic, nang biglang pumasok si ali. binigay nya muna sa akin si dianne kasi daw naaksidente sina ate nerie. kinuha ko si dianne tapos sina janice naman, biglang tumakbo palabas kasi nga sinabi ni ali na naaksidente daw si ate ner. nung malapit na sa gate, sinabi ni ali na si lourdes ung naaksidente, hindi si ate nerie. so ako, sobra akong nawindang. ibinigay ko si dianne kay ate dulce tapos tumakbo ako sa labas para tignan ung lagay don. pagdating ko don, naisugod na raw sa ospital kasama nung nakabangga. ang nakabangga daw e scooter. sa bahay naman, tinatawagan ni ate dulce sina mommy at ate kaya lang ung mga cellphone pala nila e iniwan nila sa bahay. si kuya bern, tinawagan din kaya lang nasa laguna pa raw siya at hinihintay nya yung revo, so wala rin siyang magagawa.

pagbalik ko sa bahay, sinabi ko kina avic na kelangan kong sumunod sa ospital. isinama ko sina ate dulce at si mayeth kasi nga kelangan ko ng mataray e.di ko kasi carry kung ako lang mag-isa. sina avic at arianne naman, umuwi na rin sila pag-alis namin papunta sa ospital. grabe, nung nandon na, wala na yung nakabangga. ang nandon lang daw e yung asawa ng nakabangga. sobrang stressful talaga.. tapos, sabi sa amin nung security ng ospital, ipa-blotter na raw namin para ma-pwersa ung nakabangga na pumunta sa ospital saka para makita namin ung lisensya. so pumunta kami ni ali sa police station para nga ipa-blotter. nung pagbalik namin sa ospital, dumating din ung pulis. ayun nga, kinuha nya lang ung mga basic information tungkol sa aksidente tapos ipinaalam nya lang na naka-blotter na yung aksidente. si lourdes, nasa emergency room pa rin. naumpog kasi ung ulo nya nung naaksidente sya. so mejo dumugo ata ung ulo nya. pero may malay tao pa siya. hinimatay lang siya nung nabundol sya. meron din syang mga pasa at sugat sa hita. and since naumpog nga ung ulo nya, kelangan nyang magpa-CT scan at ipa-check yung ulo nya. nung mga 8pm na ata, dumating na si mommy. dumating na rin maya-maya pa yung may dala raw ng pera. so umuwi na kami nina ate dulce, ate nerie at mommy. ang sumama na lang sa kabilang ospital e si ali at si mayeth. sinabihan namin sina mayeth na bantayan maigi yung mga tao kasi baka tumakas sila.

Nung pagdating ko sa bahay, ipinagpatuloy ko ang pag-empake. Buti na lang nandon na yung bathroom scale. After mga 30 mins, tapos na akong mag-empake. Ang next ko naman na ginawa, kinopya ko yung mga files ko sa laptop. lahat ng mga files na galing sa office, pati na rin ibang installers. Ni-ready ko na rin yung mga documents at iba ko pang kelangang dalhin. Nung mga 1030pm ata, tapos na si lourdes magpa-CT scan. pwede na raw siyang umuwi. Since nasa bahay na rin si kuya bern non, sinundo na niya sina lourdes sa ospital. Nung mga 11pm naman, tumawag si arthur. tinanong ko kasi sa kanya kung san kami magkikita sa airport para sabay na kaming mag-check in. saka tinanong ko na rin siya tungkol sa mga documents namin, etc. Mga past 11pm na ata ako natulog non.. Hindi ko nga masyado naramdaman yung tulog na iyon e.. That day was very harassing.. very stressful.. very sad.. very exciting.. very … basta, I can’t really describe the feeling.. That feeling’s beyond words…

Araw ng mga patay at Visa updates

Long vacation ung nangyari.. October 31 kasi, walang pasok. tapos wala rin pasok sa Nov 1 and 4. Sa ofc, instead na Nov 4 ung wlang pasok, ginawa na lng namin na Nov 2 para tlga dere-derecho. Namili kami ng mga gamit nitong time na ito. Tapos pumunta rin kami kay daddy. Si mommy, naiyak nung papunta pa lng kami sa simbahan. Naalala nya raw kasi si daddy. During this time of the year kasi, si Mommy, umuuwi sa probinsya. punta ng pangasinan, kay lola. Tapos, si daddy, naiiiwan. Naalala ni mommy na pag ganitong time nga, hinihintay sya lagi ni daddy. Tapos pag darating si mommy, tinatanong ni daddy kng ano ung uwi nya.. kng may binili ba syang gulay or baboy or bagoong.. ngayon, wala na si daddy na maghihintay sa kanya.. kaya nung papunta pa lng kami, naiyak na sya…

Nsabi ko rin na mag-aaral ako ng Nihongo sa time na ito.. Oh well, wala naman nangyari.. hehehe.. hindi ko man lng nabuklat ung libro ko.. sarap tlga ng bakasyon!

Update sa Visa: Nakatanggap kami ng email nung Oct 31 na natanggap na raw sa Japan ung COE namin. Tapos ipapadala na raw agad un within the day. So ngayon, maghihintay kami kng darating ung COE. pag dumating, derecho na kami agad sa embassy sa hapon para makapag-apply ng visa.

Balik opisina..

Tapos na ung Training namin sa AOTS. Balik na kami sa ofc ulit.. Akala ko, wala na kmi gagawin. Sbi kasi ni ma’am dred (our manager) na wala na raw ipapagawa ung Murase. So akala ko, mag-aaral na lng kami ng konting java saka Nihongo.. hehehe.. Ang pinagawa na lng sa amin ni A-Sa-, i-train daw namin ung dalawa pa naming batchmate sa J2EE and sa SCM PJ. hehehe.. mejo mahirap pa naman ituro un. So ang ginawa lng namin for one week, gmawa ng materials. Tapos sinend na lng namin sa kanila ung ppt. Ung first topic kasi, basic lng. and since nag-java training naman na kami nung tech training pa lang namin, naisip ko na kahit hindi na ituro sa kanila un. Review na lng kasi un e. Binigyan ko na lng sila ng exercise. tapos kng may hindi sila naintindihan, itanong na lng nila sa amin..

After a week, iba na ung in-assign na gagawin namin. Since maraming seniors ung nag-resign sa company namin, hiring kami ngayon. mejo senior na ng konti. senior meaning ung mga may 5years experience na sa industry. so ang bago naming gagawin, kami ung nag-fafacilitate ng technical exam.. hehehe.. at additional na gagawin ko, ako ung mag-che-check ng mga nag-exam sa vb.. hehehe.. so wala kami masyado gagawin.. :)

sina ellis at jb pala, binabasa na lng nila ung iba pang ppt presentations na ginawa namin. Siguro sa break ko or sa lunch break, i-orient ko sila ng konti tungkol sa SCM structure/framework. wla na kasi kami time… Malamang, after nito, magiging busy naman kami sa pag-apply sa visa and other stuffs… :)

Update sa pagkuha ng Visa: wala pa rin ung COE.. so malamang baka sa end of October pa kami magkakaron ng visa…

Aftermath..

The night before daddy died…

Ako na ung last na dumating sa bahay non. Nandon na si kuya bern saka si ate. sina Michael naman, tulog na. May pasok ata kasi si Michael non. Tapos, may inuwi ata si kuya bern na parang pang-asthma. So tina-try nila ung gamot. Tapos habang kumakain ako, sinabi ko sa kanila ung ginawa ko buong maghapon. Alam na nila na natanggap ako sa Murase and as early as October ung alis ko.. Tapos, pinakita ko rin sa kanila ung draft ng magiging allowance ko sa japan. Naglolokohan nga kami kung sino ung hahawak ng atm ko.. Masaya kami nung time na un.. Mga past 1130 na ata kami umakyat nina ate.. Unforgettable night…

i’ll leave the details of the morning that he died.. mejo hindi ko pa kaya balikan..

during the wake, people ask us kung bakit ganoon kami. Sa lamay kasi ni daddy, wala masyado umiiyak. Ang sagot lang ni mommy, kasi medyo accepted na namin.. Of course, malungkot kami. And we definitely miss daddy. And we had our own private moment na umiyak kami. But as my mommy said it, mas gugustuhin ni daddy na walang umiiyak. Kasi mas gusto ni daddy na masaya kami at walang iniisip na iba o problema. Alam ko, makakayanan namin itong sitwasyon na ito, hindi naman kami papabayaan ng Diyos. Ang mahihirapan lng kami, e iyong pag naaalala namin sya at kapag nami-miss namin sya. Sobrang close kasi ng family namin. Para lang kaming magkakaibigan, magkakabarkada. Ang iniisip ko nga ngayon, wala akong regret na naging tatay ko sya.. proud ako na tawaging anak ako ng tatay ko.. at alam ko rin na proud din sya na tawaging mga anak niya kami..

thank you na lng po sa lahat ng taong nakiramay. And thank you sa mga prayers nyo. Mejo okay na kami.. Accepted naman namin, but we will surely miss him.. Sabi nga ng kuya ko, kelangan muna namin pagdaanan ang bawat buwan at lahat ng okasyon ng wala si daddy.. And alam ko na hindi un magiging madali..

We miss you daddy… Sana maging masaya ka na dyan kasama ni Lord.. Ipagdasal mo kami ha? .. We love you daddy..

yesterday is my daddy’s birthday

birthday ni daddy kahapon.. kaya lng, wala masyado tao sa bahay. ung nagluto nga, ung ate ni mayeth. di ko masyado naintindihan pero pde na pag-tyagaan.hehehe.. mejo weird e, pero pwede na. nagluto rin si tita mercy ng pansit. si ate, tapos nang operahan.kagabi, nandon sina tita luming and tita aida sa ospital, dinalaw si ate. si mommy ung bantay don.

happy birthday daddy…

my little adventure yesterday

i woke up yesterday at around 8am. then i ate breakfast and watched tv. then i remember that i have to photocopy the kanji book that i borrowed from thyra (an officemate). and i also promised thyra that i will accompany her to gilmore that day. so, i decided to go to la salle, since the photocopy fees there are cheaper, and just meet thyra at ayala station. so when i reached la salle (taking the lrt 1 and mrt), i only found 3 photocopy centers open. so after leaving the book, i went to ayala mrt station. when i got there, i thought i have enough time so i went to sm makati to pay my phone bill. afterwards, i met thyra then we went to gilmore via mrt cubao station and lrt line 2. when we got there, we ate at shakey’s while waiting for the cousin of ciara (another officemate). then we went to get their laptop.

the laptop was really good, i want to get one for myself. but it is also quite expensive. but the specs are good and every peso is worth it. then after going there, i accompanied thyra to makati (meaning, i helped here carry ciara’s laptop, while she is carrying her own laptop). after that, i hurried to greenbelt chapel to hear mass. but because of lack of time, i wasn’t able to finish the mass. i went to la salle to get the things that i photocopied but the girl there said that they were’nt able to finish it. so i was really pissed off, not to mention exhausted. it’s too much hassle. then i hurried to robinson’s pioneer to meet my sister and watch Jackie Chan’s movie: New Police Story. The movie was okay but i was really tired and my shirt was wet because of my perspiration. i was worrying that i might sleep in the middle of the movie, but fortunately, i was able to finish it. then we went home.

i was so amused at the number of times that i used the three trains (mrt, lrt line 1, lrt line 2). i counted the train tickets that i bought from 1040am til 630pm, and that was 12 tickets! amazing! i felt that i was either riding the train or i was climbing the station’s stairs that whole afternoon! this morning, my whole body was aching. it felt like i played badminton for 5 hours straight!

post birthday blues

it’s been three hours past my birthday.. well, last night was so unexpected. majority of my college friends didn’t make it. and some of them informed us to the last minute. grabe! thankfully veena, ces and val were there to cheer up the night. sabi nga nung isa sa amin, “parang tayong tatlo (ces, veena, and me) ang laging nagkikita a! ano pa pagkukuwentuhan natin?” buti na lng nandon si val at meron kaming napag-usapan. pero, there were lots of times na tahimik lng kami. ung wala lng, pinapanood ung mga kumakain at ung kakainin namin… but it wasn’t that bad. we had a great time, despite our number. and val, thanks nga pala sa gift! :)

and finally, we met tim (veena’s boyfriend). hehehe.. after the very “fried” dinner that we had, ces and me went to greenbelt to wait for joanna. si veena, kelangan na nila umalis nina tim. si val, may work pa, so kelangan na niya punta ng office. so pumunta kami ni ces sa may seattle’s best and had some coffee. so nung dumating si joanna, konting kwentuhan and then umuwi na rin kami kasi gabi na. abunai desuyo.

nung dumating ako ng bahay, i learned that my sister-in-law is in the hospital… pregnancy-related daw… tapos, nainis na ako..